Thursday, June 28, 2012

AMAZING GRACE =))))


Almost two years ago, masaya ako, kuntento, may mga pagkakataong malungkot din, pero nalagpasan ko ung mga yun. Hindi ako mahilig magbasa ng Bible, pero alam ko na God is love. Tama. God is love, kaso walng impact sa akin ang sentence na iyan noon. Ang alam ko lang, si God, mabait, nagpaparusa, nagbibigay, nagagalit, tagapatnubay, nagpapatawad, hindi nagbibilang ng mga maling nagawa mo at kahit paulit2 ka pa gumawa ng kasalanan, papatawarin ka pa rin Niya, anu pa ba, yun lang siguro ang alam ko sa Kanya noon. Alam ko rin na ipinadala Niya si Hesus para iligtas sa kasalanan ang sangkatauhan. Oo si Hesus, Hindi ko rin siya gaanong kilala noon, pero alam kong ipinako siya sa krus para iligtas tayo sa kasalanan, pero pano, un ang hindi ko alam.. dahil sa pagkamatay niya nailigtas tayo,panong pag namatay si Hesus ay nailigtas na tayo? Pano ba talaga? Ayan ang hindi ko talaga naiintindihan, oo namatay siya, un lang ang alam ko, ipinako siya sa krus. Sa aking matinding pagiisip araw-araw, anu ba talaga ang totoo? Gusto kong makilala pa ng mas malalim ang Diyos—gustong gusto ko, kasi alam kong hindi sapat ang nalalaman ko tungkol sa Kaniya. Hindi sapat ang alam ko tungkol sa kung ano ba talaga ang Diyos, maraming tanong, kagaya na lang ng: Nababawasan nga ba ang kasalanan?  Paano? May magaan at mabigat ba talagang kasalanan? Kung meron, nasa Bible ba? ilan lang yan sa tanong na naglalaro sa isip ko noon. Alam ko na may mga paliwanag sa mga tanong na ito na pawing galing lang sa kaalaman ko, pero hindi ako kuntento sa mga iyon, dahil naniniwala akong may higit pa rito.

Wala talaga akong masyadong interes sa pagbabasa ng Bible, kasi may religion subject naman. Pero habang pinagaaralan ko ang mga topics don, parating may tanong na, Bakit? Paano? Saan binase? Nagdadasal din ako lagi, sana po… sana po.. please po.. pero sadyang may kulang. Oo kulang ako sa kaalaman sa salita ng Diyos, dahil puro aklat sa school ang binabasa ko.

Ang alam ko noon sa pagibig, ung gagawa ka ng mga bagay para sa isang tao, pagibig na ba yon? Para sa akin noon, oo. Pag ung kinikilig ka, lagi mo siyang naiisip, namimiss, pagibig na yon para sa kin.. ung hindi mo siya gugustuhing masaktan, hindi mo siya lolokohin, hindi ka magsisinungaling, ibibigay mo ung makakaya mo, gnun lang, pagibig na siya sakin noon. At naisip ko rin na napapagod at nagsasawa ang pagibig. Iyon ang alam ko…

Sa aking pagninilay-nilay at paghahanap ng sagot sa mga bagay na nais kong mabigyan ng paliwanag, nagdesisyon akong hanapin muna at kilalanin muna nang mas malalim ang Diyos. Ngunit paano ko makilala ang Diyos? Dahil sa aking uhaw na pagkatao ay nagpasya akong umattend ng isang Bible study, at doon ay nagbukas ang pintuan kung saan makikilala ko ang Diyos, pero paano pa rin? May tagapamagitan ba? Oo meron, natutunan ko na si Hesus ang tagapamagitan. Wow!!! At nabasa ko rin yon sa Bible sa John 14:6, at sa verse 7 din.. Ngayon ko lang nalaman, tagapamagitan pala namin ni God si Jesus. At mismong nong araw ding iyon ay tinanggap ko si Hesus, dahil si Hesus ang daan patungo sa Diyos Ama.. Si Hesus ang daan para makilala ako ang Diyos. Mula noong araw na iyon ay ginusto ko na laging makaalam ng mga bagay tungkol kay Kristo at sa Ama. Ano siya at kung anu ang kalalim-laliman ng pangungusap na God is love. Ngayon alam ko na.. at nabuild up sakin ang iisang meaning ng love, at yon ay ang nasa Corinthans 13, para sa akin ang kalaliman ng mensaheng ito ang sapat at pinakakongkretong kahulugan ng pagibig. Pero may mas malalim pa rin, ang pahayag na God is love.. pero anu ba si God para sabihin na God is love.. sa halos 2 years kong pagkakakilanlan kay God, maraming maraming bagay akong nalaman tungkol sa Kniya at tungkol kay Jesus, at maraming maraming maraming bagay pa ang nanaisin kong malaman tungkol sa Kaniya. Araw-gabi ay hinahanap ng espiritu ko ang salita ng Diyos, kaya araw-araw akong nagbabasa ng Bible. Napag-alaman ko sa old testament na ayaw ni God sa idols, at kasama rin pala iyon sa Ten Commandments, sa Exodus 20:4-6, at sa Ezekiel 14:7-8 at 18:5, ang kadakilaan ni God ay nabanggit sa halos lahat ng Chapters ng Psalms at sa mga libro sa OT, ganun din sa NT, isa ang Psalms 136 ang nagbanggit tungkol sa walang-hanggang pagibig ng Diyos, nalaman ko rin na Spirit pala si God, nasa John 4:24..dati kasi, iniisip ko kung anong hitsura ni God, ano kaya ang ginagawa niya minsan, kumakain kaya siya? Nagwawalis? =)))) nasagot na ngayon, Spirit si God.. at hindi ko na tinatanong ang mga bagay na iyan dahil sa sobrang kadakilaan ng Kanyang nature, para sakin ay hindi appropriate itanung ang mga bagay na ito, wala akong kahit kakarampot na karapatan na magtanong, knowing na kakapiranggot na tao lang ako at Siya ay pinakamakapangyarihan sa lahat,. Nakakapangilabot at nakakatakot kwestyunin..dahil syempre Siya ang Diyos, at Siya ang nagmamay-ari ng lahat..(Ezek18:4)

at lalong nareveal ang love ni God noong ipadala Niya rito sa lupa si Hesus.. sa John 3:16..

Kailangang maging human nature din si Christ para mailigtas ang sinful nature ng man. Nasa Romans Chapters 5 and 6.. Inialay ang dugo ni Kristo upang patawarin an gating mga kasalanan at upang pagalingin tayo, sa 1Pt 2 :24..Nahulog na ang sangkatauhan sa kasalanan, at kamatayan ang parusa ng kasalanan, oo lahat ng tao ay mamamatay, pero hindi lang pala iyon literal na kamatayan, 2nd death ang ibig sabihin ng Romans 6:23.. nasa Rev 20:14 din... Pero dahil kay Hesus ay maaari tayong mailigtas sa kamatayan na panghabang panahon. Maaari pala tayong maging righteous (matuwid)  kay God sa pamamagitan ni Jesus. Paano? Kung maniniwala at tatanggapin natin si Kristo, sa John 1:12-13..sa Romans 10:9-10, ang God’s grace is Jesus, Ephesians 2:8-10.. Romans 6:14..

Sa pagkakakilala ko rin sa Panginoong Hesus, ay once na tinanggap mo siya at humiling ka sa Knya, mapapasayo yun agad, basta may pananampalataya ka, sa John 14:13-14.. at sa Mt 11:24.. natutunan ko rin na ipinaguutos ni God na lahat ng tao ay sumamba kay Hesus, sa Philippians 2:1-11

Mula noon ay alam ko na kung ano ang tunay na pagibig, hindi sapat ang note na ito, nasa Bible lahat, lahat-lahat ng tungkol kay God.. at kung gaanoo ka-walang hanggan ang Kaniyang pagibig.. dahil nga ang Diyos ay pagibig, kung gaano kadakila si God, ehdi dakila rin ang tunay na pagibig.. ngayon ang definition ng love sakin ay ang Diyos..=)))) at isa ang sigurado ako, hindi kailan man napapagod, sumusuko at nagsasawa ang tunay na pagibig, kung napapagaod at nagsasawa aat sumusuko.. marahil hindi iyon tunay na pag-ibig...

Redeemer, Friend, Provider, Light, Courage, Armor, Truth, Saviour, Lord, Prince of Peace, Almighty, Protector, Strength, Shelter, Healer, Shield, Most Holy, Glorious, Never-ending, Just, Love, Hope, Faithful, Faith, Victorious, Forgiving, Patience.. Righteous, Merciful----kaunti lang ito sa katangian ni Lord.. haaaay..=))))))

-Apr. 23, 2011

No comments:

Post a Comment