"di bali sana kung ung lalaki ang nanloko, eh hindi eh. siya (babae) eh"
-narinig ko lang. =)
Man's POV: Paano naman kaming mga lalaking hindi nanloloko at stick to one? Ganito rin ba ang tingin sa'min? dahil lang sa lalaki kami? Tama bang gawin mong dahilan na lalaki ka kaya natural lang na manlolo ka? Hindi ata. Mahal mo ba talaga? baka hindi.
Man 2's POV: Eh nakakasawa na eh, araw2 na lang hindi na kami magkasundo, saka hindi naman niya ibinibigay yung gusto ko eh, nakakpagod, hindi na masaya, saka lalaki kami, natural lang na maghanap kami ng iba, natural lang na magsawa kami sa babae.
Woman's POV: Wow ha. Hindi por que lalaki kayo eh manloloko na kayo, rumespeto naman, saka kung nu'ng una pa lang alam mo na na magsasawa ka sa babae at maghahanap ka ng iba, ehdi sana hindi ka na nanligaw/nag-asawa. Isipin mo ang nanay mo at kapatid mong babae, ano kayang mararamdaman mo kapag niloko sila?
Woman 2's POV: Eh nakakasawa na. Ayoko na. Wala rin namang patutunguhan pag nagpatuloy pa. Nakakapagod, hindi ko na kayang magtiis. Hindi na 'ko masaya. Buti pa si ano, mahal ako, naiintindihan ako, hindi kami masyadong nag-aaway. Hindi katulad niya, mahirap siyang makaintindi.
POV ko: Hindi makasarili ang tunay na pag-ibig, hindi magsasawa/napapagod kasi hindi nagiipon ng mali ang tunay na pag-ibig. Tunay ba ang pag-ibig mo?
This is what's runnin' in my head right now.
-Oct. 24, 2011
No comments:
Post a Comment