hindi ko alam kung panu ko sasabihin o ieexpress, kaya sinulat ko na lang po at ginawa kong note dito sa fb..
May 18, 2011, Wednesday..
isang araw na ikinalulugod ko ng husto, excited na excited akooo. nagka-count down pa ako ng araw, hahahhaha o kung ilang tulog na lang bago dumating ang araw na ito.. pero lumipas na siya, ganun pa man, naisip ko na, kung pwede lang irecord ang lahat ng nangyari sa araw na ito ay ginawa ko na.. pero ayos lang, dahil sariwang sariwa naman sa isip ko ang lahat ng nangyari.. ang paulit2 na pagtalon natin na dalawang basong tubig ata ang nainom ko at pumasok sa ilong ko, hahhahaha, ang slides na mabilis, hahah, kahit maaraw ay lumalangoy, kahit malakas ang ulan ay sige pa rin, hahahhahaha kaya ayun, ang itim ko.. hahahhaha pero masaya talaga kaya ayus lang...
haaay hindi ko na alam kung panu ko pa idedescribe.. sobrang nagdidiwang ang pagkatao ko dahil dito. swimming, bonding, swimming.. at higit sa lahat ay ang kaisipang ma-wa-water baptize na ko. Sobrang ipinagpapasalamat ko to kay God. isa ito sa araw na hindi ko gustong matapos, hahhaha. Outing na lalong masaya dahil kasama dito ang katotohanang iisang Spirit lang ang nananahan sa ating mga pagkatao, at isang dahilan na rin ay ang pagsama ni Mama at ni payat sa water baptism na ito. Sobrang nalulugod ako talaga, at sa sobrang saya, hindi ko na alam kung anung klase pa ng pagpupuri sa Panginoon ang kaya kong gawin dahil sa araw na ito, na Siya ang may bigay.
Maraming maraming salamat po kay Sis Rica at kay Pastor Ray na instrument ni Lord para sa gawaing ito. at sa lahat.. sa lahat2.. ang saya!! ang saya saya ko!!!
=DDDDDD
-May 20, 2011
No comments:
Post a Comment