They don’t care.
Yes, they do.
No, they don’t.
Yes.
No, they just don’t.
They do, you just can’t see it.
Maraming bagay akong hindi nasabi, maraming-marami, mga bagay na itinatago ko na lang, o mas magandang sabihing pinadedesisyonan ko na itago na lang kesa sabihin, bakit? Bakit kung minsan naiisip ko ‘to, minsan hindi ko alam kung bakit, minsan naman naiisip ko “eh wala naman silang pakealam eh”, siguro nga, eh paano ko malalaman kung may pakealam sila? Hindi ko rin alam. Wala ba talaga silang pakealam o ako lang ang nag-iisp ng ganun? Hindi ko alam kasi hindi ko masyadong gamay ang takbo ng utak ng ibang tao, hindi ko makuha kasi nahihirapang akong maka-gets minsan, nalilito ako, kaya minsan pinipili ko na lang na wag na lang, wag ko nang ipagpatuloy ang pag-oopen ng sarili ko sa mas malalim na aspeto at pag-iisip kung ano ang takbo ng utak nila, mahirap din naman kasing intindihin ang sa akin minsan, ay hindi pala minsan, kadalasan. Pero ewan ko ba, nag-eenjoy ako na pagnilay-nilayan ang takbo ng isip ng mga taong napapalapit sa akin, siguro depende din sa tao kung sino yon. Minsan nagpapanggap akong walang pakealam pero sa totoo lang meron, ayoko lang ipakita kasi alam ko namang wala lang din sa kanila? Wala lang ba talaga? Baka meron? Hindi ko alam.. hindi ko alam pero kadalasan masaya ako, palatawa, ganun naman talaga ako, pero may isa pang bagay na minsan ay nagugulat ang ibang tao, kapag sweet na ‘ko at ma-senti, oo masaya kapag tawanan, harutan, pero kapag darating na ang oras na andito na ung pagiging ma-senti ko, nagbabago ang lahat, hindi ko alam, nagbabago ba ako o sila? O naninibago sila sa’kin? dahil ba hindi ako madalas ganito? o pinili ko lang talaga ang taong papakitaan ko ng pagka-sweet? Siguro nga, kaunti lang talaga ang atong nag-aattempt at nagbibigay ng best nila para maintindihan ang takbo ng utak ng isang tao, hindi lahat. Pero siguro depende talaga sa kung sino ang taong iyon. Siguro nga.
-Oct. 14, 2011
No comments:
Post a Comment