Nasa kwarto ako, nag-iinternet, basa-basa, like-like.. maya-maya tinawag ako ni Mama, may virus daw sa computer.. tiningnan ko.. gusto kong ii-scan pero hindi mabuksan ung ESET, pti Microsoft hindi ma-open, may ngbblock daw.. hindi ko naman ma-activate yung security something kasi kailangan din ma-update yung OS, eh hindi naman yun licensed, at pag na-detect yun ng Microsoft, yari. =)
Try ako ng try na i-i-scan siya gamit ang ESET, ayaw talaga, pati Firefox at IE ayaw mabukas..
Conclusion: Navirusan ung PC namin, hindi mabuksan lahat ng programs, Microsoft, Mozilla, kahit windows defender at ESET ayaw mabukas
nagpapanic na ko, nagpapanic na si Mama, nagpapanic kami dahil pag hindi gumana yung PC, walang gagamitin ang mga kapatid ko, mag-aagawan kami kay Novette (laptop ko).. at posibleng magrereformat na naman, or worst, hindi na talaga gumana ung PC., saka kaka-reformat lang nito.. hindi pwede ito.. sabi ko sa loob ko, Lord alam ko hindi mo to will, hindi ka nagbibigay ng failure, Ikaw ang success ko Lord. Ikaw na po bahala...
tinext ko si Bro. Abet (ung ka-church ko na nagreformat nito dati) para tanungin kong pwede naming mareformat yung PC,, kaso hindi siya makakpunta tonight, so tom pa maaayos.. isip, isip ng paraan kung pano..
Nagpunta ako sa kwarto, dahil nandun ung laptop ko, at kumuha ako ng installer ng Avast at yun ang ipang-ii-scan ko sa PC.. copy, paste.. sa pagmamadali ko, bgla akong nabunggo sa pintuan, tumama yung tuhod ko sa pinto, tumama din yung eyeglasses ko at natabingi, nadiin sa ilalim ng mata ko. I felt weak. I felt crying, tamaan na lahat wag lang salamin ko, kung masisira ito, anu nang gagamitin ko....naiiyak ako kasi hindi ko magawan ng paraan yung PC at naiisip ko na yung sitwasyon kung masira to, naiiyak ako kasi yung salamin ko nasira; natanggal yung lens at wala akong gagamitin.. naiyak ako ng mahina, inayos ni Mama yung salamin ko at Praise God!! naayos, habang nakaharap ako kay Novette at inaayos ni Mama yung salamin ko sa likod ko,, nagppray ako, Lord alam ko hindi Mo to gusto, hindi uso ang failure sa Iyo Lord, please po, patawad kung ganito yung nararamdaman ko, patawad po talaga, Ikaw na po bahala..hindi na 'ko maiinis kahit wala na 'kong salamin, alam ko po ayos ang paningin ko.. Ikaw na po bahala.. VOILA!! "'nak ayos na oh.." sabi ni Mama, pahid ako ng luha at sinuot ko na, konting adjust lang at okay na ulit..
lipat ko na sa PC ung flash drive to scan it using Avast, ayaw talaga.. tawag ako kay Abel (barkada ko), to ask kung paano gagawin ko dito.. reformat, yun ang solusyon, hindi ko matanggap na kailangan ireformat, sinasabihan ako ni Lord na wag kong i-shut down to, wag kong sukuan, wag kong tigilan hanggat hindi nagiging okay, kasi OKAY lahat kay Lord..
..
.. "cge bel tawag na lang ako ha? thank you, thank you, pero di ko to susukuan, kalkalin ko pa.haha.."............click ako sa MS Excel, na ayaw gumana kanina.. ...............naopen!!! "bel.. beeeel... (sort of tili), gumana na, pati yung firefox naopen naaaa. oh Lord, thank You..".. "ok na bel.. ", "system restore mo na din para sure Pong." ok ok.. "tas scan mo..".. ok na, nagthank you pa ko ulit tas binaba ko na, nagthank you ako kay abel ng madami, kasi kahit gabi na, wiling na willing siyang tulungan ako kahit thru telephone lang..
click ESET, windows defender, MS Word.. okay lahat.. OKAY LAHAT. ALL IS WELL. ANG GALING NI LORD.
a thought that crossed my mind while I was looking for a solution.. "baka na-comatose lang ung PC, tas gigising na siya ulit..",
Hindi ko talaga alam kung anung nangyari at bglang na-okay yung PC.. si Lord lang nakakaalam kung paano Niya ginawa yun..and I wont mind, really, kung paano Niya ginawa.. in a blink of an eye naging okay yung PC na parang kanina lang ay kinakain ng virus ng buo..
It felt like the PC was being held captive.. and it was not functioning well..and it was trying to control me as well, to panic and lose my cool, and lose faith and hope. But Thank God He didnt let me. He defended me, us, PC.. Thank God.. now here's another thought after what happened.. "parang nanaginip lang ng masama yung PC, tas nagising na ulit"..
THANK GOD. WUHU!!! THANK YOU LORD. NOTHING WILL EVER BE MORE POWERFRUL THAN YOU ARE. You are success and Your love never fails.
-Aug. 28, 2011
No comments:
Post a Comment