Thursday, June 28, 2012

Sir Caday. Thank you po. T.T


written: March 23, 2012

“Gusto niyo ba yung super-mega-ever bongga na seminar?”-Dr. Simon Caday
Tumawa kami.

                Isa ang linyang ito sa mga bagay na kinatutuwaan ko sa klase niya. Siya yung professor ko sa Special Topics subject na ang pinag-aaralan ay Development Communication. Hindi siya ganoon kkadalas pumasok pero nagpapaliwanag siya sa amin kung bakit siya aabsent. Unang absent niya ay hindi ko makalimutan, field trip daw ng anak niya. Ang cute di ba? =)) May glimpse na ako kung anong klase siyang tao sa simpleng dahilan na yun na in-effort-an niya pang sabihin sa aming mga pawang estudyante niya lang.

Simula noon, inspired na ako laging pumasok kahit na ang aga-aga ng klase. Sa twing papasok siya sa room, lecture agad kahit na naglalakad pa lang siya sa aisle, at pag nagsalita na siya, natutulala na ako, kasi naman, madami pa akong hindi alam sa development communication (may ganun pala? =D) at napaka-inetresting ng mga pinagsasasabi niya. Hindi lang iyon, pag nagdidiscuss na siya, may mga salita akong naririnig na hindi naman nagagamit sa araw-araw, napapa ‘shocks ang talino talaga ni Sir, nosebleed’ na lang ako sa kung sinuman ang katabi ko sa klase, o kung wala akong katabi ay sa tao sa likod ko sinasabi---para lang mapuri ko siya. Sa isang three-hours na session, minsan ay late si Sir, pero kahit na late siya eh malaman pa rin ang mga sinasabi niya na puro tungkol sa, syempre, development communication. At pag nasa peak na siya ng dicussion, pag may pinapaliwanag siya na hindi niya mahanap ang tamang salita, ang sinasabi niya ‘may mga kemberlu-kemberlu’, halakhakan na naman kami sa tuwing sasabihin niya ang ‘kemberlu’. Tapos pag naman nagkamali siya ng nasabi, sasabihin niya ‘pardon me’,--at mabilis ang pagkakasabi niya na parang ‘pardmi’ na lang ang naririnig ko---na madalas kong ginagaya sa dahilang hindi ko masyadong maipaliwanag,  ‘pardmi’. =). MInsan din sa super dami ng sinasabi ni Sir ay napapapikit ako sa antok dahil nga ang aga ko nagising, pero hindi ako makatulog dahil ayokong may ma-miss sa mga sasabihin niya. Kaso naman nung napuyat ako at may exam sa kaniya eh nakatulog ako, pero natapos ko pa rin. Ang exam na iyon ay isa sa pinaka hindi ko makakalimutan na test, essay type yun at marami siyang pinapaexplain. Ang isa pa na t-in-est namin sa kaniya ay yung multiple choice na ang saya saya dahil nung chinecheckan na namin yun ay iniiba ni Sir ang accent niya habang tinatawag niya ang mga apelyido namin para sabihin ang scores. Tawa pa kami ng tawa noon dahil ang kulit ni Sir. At kada magtatapos ang klase namin ay lagi siyang naglilead ng prayer na super nagthe-thank you siya kay God para sa lecture namin.

Noong magkakaroon kami ng seminar sa kaniya ay marami akong palpak bilang overall in charge, na super nahihiya na ako sa kaniya dahil nga may mga kulang. Puro ‘pasensya na po’ ang sinasabi ko sa kaniya pero kahit isang masakit na salita ay hindi ako nakarinig sa kaniya  o kahit ang mga kaklase namin. Hindi ko sigurado pero hindi ko pa nakitang nagalit si Sir. At hindi ko rin alam kung anu man ang dahiln niya kung bakit laging malumanay at magaan ang mga salita niya kahit na minsan ay talagang hindi na nakakatuwa ang klase namin. Noong nagtetext ako sa kaniya for final instructions para sa seminar ay natagalan bago siya magreply, at nakitext lang siya sa isang number at sinabi niyang wala siyang load at hindi siya makakapunta sa school dahil ang kasambahay nila ay hindi pumasok. Natuwa na naman ako, Ang effort naman ni Sir para i-explain yung reason niya. At noong maipasa ko ang report ng seminar sa kaniya, bilang huling requirement namin sa kaniya, hindi man lang sumagi sa isip ko kahit kakapiranggot na huli na iyon. Hindi.

Noong myerkules lang ay katext ko siya, tinatanong ko kung pwedeng magpaprima ng clearance sa kaniya. Hindi kami nagkita noon dahil sa magulo ang schedule. At ngayong byernes nabalitaan kong inatake siya at pumanaw na. Nasa jeep ako ng mareceive ko ang text tungkol du’n, medyo natulala ako. Paano? Hindi nga? Hindi ko alam kung tatanggapin ko o tatanggapin ko, syempre may choice ba ‘ko? Kahit hindi ko tanggapin mabubuhay ba si Sir? Hindi. Katext ko na ang ilang mga kaklase ko tungkol doon at pinipigilan kong umiyak. Marami na akong nabalitaang prof o teacher na namatay pero ito, iba ‘to, pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at doon ako humagulugol at ngumalngal ng ngumalngal. Ang pagiyak ko na ito ay isa sa pinakamatagal na pagiyak ko. Hindi ako basta basta umiiyak ng husto pero sa pagkawala ng teacher ko na ‘to ay nagawa ko, hanggang ngayon ay gusto ko pa ring umiyak, at sa mga susunod na araw na maaalala ko siya, alam kong laging mangingilid ang mga luha sa mata ko sa tuwing maiisip ko siya.. Hindi ko pa rin masyadong tanggap. Nalulungkot ako dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya ng personal, nakahingi ng tawad sa kaniya dahil minsan nga ay palpak ang klase namin. Hindi ko na iyon magagawa.

Photo Credit: Aerin Kai Buhay

Oo nga pala, salamat sa CMC na binoto nilang maging development communication ang pag-aaralan sa Special Topics, dahil kung hindi, baka hindi ako naging estudyante ni Dr. Caday. Isang napakalaking karangalan sa akin na naging estudyante niya ako.


No comments:

Post a Comment